Danica's POV BLACK. The only thing I can see is Black and darkness.. "Huy! Ano yan? Mahilig ka talaga makatulog pag naglalakad." Epal ni Patrice. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko sa pagkakapikit ng madiin. "Yess! Wala na" ngiti ko.
"Auti ka nanaman! Bat lagi ka nalang pumipikit bigla-bigla? Madiin pa. Masama kaya yun sayo." sermon nanaman ni Patrice. Mas maganda tignan ang BLACK kaysa makita ang taong mahal mo ng sobrang tagal kasama ang bestfriend mo na pinagkakatiwalaan mo. Syempre ex-bestfriend ko na siya :P Ikaw ba naman? Landiin niya yung taong mahal mo. Tapos maging sila, kaya mo pa ba siya maging bestfriend? HINDI. "Wala lang." Yan nalang ang nasagot ko. Para sakin kasi, kung di mo gusto yung nakikita mo, pumikit ka nalang. Lalong-lalo na kung wala kang magagawa tungkol dito. Si Patrice nga pala, ang bago kong bestfriend. yun nga lang, mas loko 'to kaysa kay Christine. At tama ang nabasa niyo. Nakakasama sakin ang pagpikit ng sobra. Yung stressed/pilit/madiin na pikit. May eye disorder kasi ako :P Dapat ang pagpikit ko DAW ay yung kalmado lang. Di ko nga sila magets eh PSHHH. Pero ito kasi tumatatak sa isip ko lagi eh. "Always appreciate what you see". WTF DOES THAT EVEN MEAN - - "HUY!" Sigaw ni Patrice. "ANAKNG!" *BEEP BEEP* at may huminto na pulang sasakyan sa harap ko. "Danica! Sakay bilis!"
"Manong To? bakit kayo nagmamadali?" - - Siya driver namin. "Ang mommy mo, nasa ospital!" Bigla bigla akong pumasok sa kotse at di mapalagay. "Ano nanaman po nangyari?" Sabi ko kay Manong To na nagpapanic at di mapakali sa pagkakaupo. "Heart attack. Kasi nag away nanaman sila ng daddy mo." "Bakit?" "Kasi, lasing ang daddy mo, tapos umuwi siya kasama yung kabit niya." THAT OLD BASTARD. Nakarating na kami sa Hospital. Nakit ko sa upuan yung 'daddy' ko at yung mistress nya. Hinampas ko siya ng bag ko. I don't pity him. "Damn you DAD. Pag nawala si mommy, I swear, di kita mapapatawad and I'll make the rest of your life miserable." hinampas ko ulit siya ng bag. Tumalikod ako at lumakad onti. Pero binalikan ko ulit siya. "Kapal din ng mukha mo eh no. Nagsama ka pa ng SLUT?! The fuck! Umalis na nga kayo." dagdag ko. "You don't have the right to say that to him! Anak ka lang niya." Epal nung kabit. "You slutty-bitch. Shut your mouth! Ikaw ang walang karapatan sumagot sakin. Kaano ano ba kita?! Epal ka eh no. MAHILIG KA UMEPAL." di ko na napigilan ang sarili ko na sabihin yan.
Bigla niya akong sinabunutan at pumagitna samin yung 'daddy' ko. "Danica! Stop it! Wala kang respeto." "What the fuck WILSON?! Wala ka rin namang respeto! Lalong lao na kay mommy." yung kamay niya, nakaready na na sampalin ako. "Go on! Slap me!" Tinagilid ko ang ulo ko para iharap sakanya ang pisngi ko habang nakangiti. "Babe, tara na." ANG SARAP SAMPALIN NUNG BABAE!!!!! "Wala kang kwenta Wilson. Bat kailangan na ang sperm cell mo pa ang bumuo sakin? Tss.." "Utang na loob mo pa 'yon saakin!" Sigaw niya. "Utang na loob? So anong gusto mo? Ibalik sayo yung sperm cell mo? Tss.. HAHAHA Yun lang naman nagawa mo para sakin! Actually, si mommy pa ata nagpapalamon sayo at sa GRO mo." "Hayy.. Naubos tuloy ang 5 minutes ko sa mga walang kwentang tao." Tumalikod ako sakanila. "Oh, and Wilson, maghakot ka na ng gamit sa bahay NI MOMMY. Walang lugar ang mga WALANG KWENTA doon." dugtong ko at tuluyang umalis. Tumakbo ako sa emergency room. Pero di nila ako pinapasok. Umupo ako sa malapit na bench. I closed my eyes. BLACK
Mas maganda pa ito tignan kaysa makita yung tatay ko pati ang kabit niya. Mas maganda pa 'to tignan kaysa makita na pinili niya yung kabit niya over us. Mas maganda pa 'to tignan kaysa sa sinasaktan niya si mommy emotionally and physically at mas maganda pa 'to tignan kaysa makita ang nanay mo na nahihirapan. Diniinan ko pa lalo ang pagpikit ko dahil sa galit at pag block sa luha ko. Mom is a strong woman. Magiging okay din siya. ******** Binuksan ko ang pinto ng CR ng girls. Nilapag ko ang bag ko sa gilid ng sink at nag-salamin. Wala ng gamit si daddy kanina sa bahay. How could he choose a slut over us? His family? Naiiyak na ko. Pumikit nalang ako para mahinto ito, Pero nakalusot yung iba eh. At oo, umiiyak na ako habang nakapikit. Bat naman ganto yung buhay ko? Narinig kong bumukas yung pinto. Dumilat ako at pinunasan yung luha ko. Nakita ko sa salamin si
Christine. Naghugas siya ng kamay sa sink na malapit sa kinatatayuan ko. A-W-K-W-A-R-D. Tumalikod ako sakanya at pinunasan pa yung mga tumutulo kong luha. "Are you ok?" Tanong niya. "Mukha ba?" Sagot ko sakanya. "Danica, Sorry." "Hindi. Ano ka ba! Wala kang kasalanan! Di mo ko pinaiyak at lalong lalo na di mo ko NASAKTAN." then I gave her a sweet smile. "Alam kong sarcastic yan. Wala ka paring pinagbago!" feel kong ngumingiti siya. Sabunutan kaya kita? "At namiss ko yun." Dugtong pa niya. Pfft. Feel mo naman mapapatawad kita sa nagawa mo? NO. "Angel in disguise." bulong ko.
"Ha?" "Namimiss mo?" pag iba ko ng topic. "Oo." "Edi mas mamiss mo pa." At binigyan ko ulit siya ng PINAKAAA PLASTIK NA NGITI at umalis na ako. Lalabas palang ako ng pinto ng nakita kong nakasandal sa wall si Sam. Parang naging statwa ako na nakatayo at nakatitig sakanya. Alam nya kaya na nasasaktan niya ko? Lumabas ng CR si Christine. "Tara na babe." sabi niya. At sa harap ko talaga ha? :)) Eh kung hambalusin kita? Pinulupot ni Sam ang kamay niya sa bewang ni Christine. At bigla bigla, PDA na sila?!?! Bumalik ako sa loob ng CR. I closed my eyes. Damn it.
BLACK. Mas maganda pa na ito lang ang nakikita ko kaysa sa napakasweet/napakasakit na view ko kanina. Lahat ng nangyari dati, nagflaflashback. *flashback* "Sasagutin ko na siya." Nakaupo lang kami sa stairs. "Pfft.. HAHAHHAA Ge ganyan ka eh." "Danica, I'm Serious." "Yeahright. :P" Kinakabahan na ako at the same time, naiiyak. Tumahimik kaming dalwa. Tumungo ako at umiyak.
"Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, yung pinagkatiwalaan ko pa." "Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, yung trinato kong kapatid pa." "At bakit sa dinami dami ng mga babae sa mundo, yung BESTFRIEND ko pa ang napili niya." Tinaas ko ang ulo ko para punasan ang luha ko. "Best.." "Wag mo ko tawaging 'Best' please." "I'm sorry, kailangan ko muna magpakaselfish ngayon." I'm sorry, kailangan ko muna magpakaselfish ngayon. I'm sorry, kailangan ko muna magpakaselfish ngayon. I'm sorry, kailangan ko muna magpakaselfish ngayon. I'm sorry, kailangan ko muna magpakaselfish ngayon. I'm sorry, kailangan ko muna magpakaselfish ngayon. Mas lumakas ang pag iyak ko. "Please, Chris, alam mo naman kung gano ko masasaktan diba?" Oo, desperada na kung desperada.
"Oo, pero pano naman ako? Nagmamahal din naman ako diba?" Inangat ko ang ulo ko. Ano pa nga bang pwede kong gawin? Wala naman eh. "Pero sana maging magkaibigan pa tayo, Danica." Tumulo ulit luha ko. Tumayo ako. "Di ko maipapangako yan." Tumalikod ako at umalis. *end* Lumabas ako ng CR at nakasalubong si Patrice. "OY! Kanina pa kita hinahanap!." "Oh anyare sayo?" dugtong niya. "Di ko na kaya." sabi ko. "Danica! Yung mata mo sabi eh! Tsk." "No Pat. Ang sakit na eh, Nasasaktan nalang ako lagi sa nakikita ko."
Niyakap niya ako. "Dumilat ka na Pshh! C'mon! Wake up on your nightmares!" "Pano?" tanong ko. "Aba malay ko. Gumawa ka ng paraan. Idiota ka talaga!" sabi nito at niyakap ulit ako. **** *flashback* "Bat bumitiw ka kaagad, Sam?" "I'm sorry." Puro nalang sila sorry. Sorry? Anong magagawa ng sorry? Mapapasaya ba ako nun? Makakalimutan ko ba yung sakit nanararamdaman ko at mapapalitan ng masaya? Mababalik ba nun yung dating kami? Hindi naman diba? "Pero di kita mahal." Pero di kita mahal. Pero di kita mahal. Pero di kita mahal. Pero di kita mahal. Pero di kita mahal. Madami na akong narinig na nakakasakit na salita. Marami na akong naranasan na proof para masabi na miserable ako. Pero yung sinabi niya...
Iyan ang pinaka masakit. I wasted the oppurtunity to be with him. I wasted the oppurtunity to be happy with him. "S-si Chris ba?" He nooded. Tumalikod siya at pinanuod ko siyang lumayo. *end* *KRRRRRRIIIIIIING KRRRRRIIIIIINNGGGGGG "Class dismissed." sabi ng teacher. Inangat ko ang ulo ko sa pagkakalean sa desk ko at napansin na basa ng luha ang desk.
"Danica, tama na yan ha." Sabi ni Patrice na inaabutan na ako ng panyo. Pinunasan ko ang luha ko at pinunasan rin ng tissue ang desk. "Nako. Tignan mo yung mata mo. I't looks..." Napahinto siya at lumapit, tinignan niya ang mata ko ng malapitan. "Weird." tuloy niya. Tinignan ko ito sa salamin. "Parang kakaiba nga." Sabi ko. "Pshh. mawawala din to after 1 hour! Halata ba?" tanong ko. "Di naman." Nakayuko lang ako habang bumababa ng hagdan. Dahil nahihiya din ako baka may makakita ng mata ko -_- *Booogsh "Sorry!" Sabi ko kaagad. "Sorry din!" Sabi niya. Bigla bigla nalang tumalo ang luha ko. Tinignan niya ako sa mata at tinignan ko rin siya sa mata. Parang nagfreeze ang oras at ang tao sa palid namin.
Iniwas ko ang tingin ko at tumakbo pababa sa gate. "Ay shiii! Danica! Yung phone ko naiwan sa room!" "Ha?" "Be right back!!!" At ang bilis ng takbo niya. Yan! Burara kasi! Nakita ko ulit sa isip ko ang mukha ni Sam kanina. He still looks the same.. Kamukha parin siya ng Sam na mahal na mahal ko simula noon hanggang ngayon. *CLOOG CLOOG (a/n: sorry, di ko alam sound ng kidlat -_-) Argh! Not now!!! Tsk. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Bagal ni Patrice -_- Brr.. Hinaplos haplos ko ang mga braso ko dahil sa lamig. Napalingon ako at Nakita ko na magkalapit na ang mukha nila. Pumikit ako. Sobrang diin. Bigla kong naalala lahat ng masamang nangyari saakin. Binoblock ko rin ang mga luha ko. Diniinan ko pa lalo ang pagpikit. Pinakamadiin na pikit. Sam's POV "Sam, I'll miss you. I love you." "I... love...you.. too?"
Di ko siya kayang halikan. Kaya sa noo ko inilapat ang labi ko. "Be mine and I'll leave her alone" Naalala ko ang sinabi saakin noon ni Christine. At wala akong magawa. Ginawa niyang miserable ang buhay ni Danica, paunti-unti. Pero mas lalala pa daw ang gagawin niya kung di ako papayag. Nga pala, last day ko na sa Philippines. Huh. -_- Dun na kami for good. Umuulan na pala? Nilagpasan ko si Christine at nakita si Danica na nakapikit at umiiyak. Sam, Torpe mo. Ayan na oh! Chance mo na yan para umamin oh! Nasa harap mo na siya. Tinignan ko siya at hinawakan ang mukha nito. "Danica, Mahal kita." At bigla ko siyang niyakap. Isang matagal na yakap. Yakap na puno ng pagmamahal. Sana ganto nalang kami kahit kailan. Ayoko siyang bitawan at pakawalan.
Kumalas ako sa pagkakayakap. Nakapikit parin siya at may luha parin. Di ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya. Pero di siya nagrespond. Nilayo ko ang mukha ko at nakitang nakapikit parin ito habang umiiyak. Tinignan ko siya for the last time bago ako umalis. At naglakad na palayo. Ito na ang last time na makikita ko siya. Alam niya kaya na hanggang ngayon, mahal ko parin siya? Sa tuwing titignan ko siya, lagi nalang siyang nakapikit. Pano niya ako makikita? Pano niya makikita mga sulyap ko sakanya? Gustong gusto ko pa naman yung mata niya. Mata niya palang, mahal ko na. Pano pa kaya yung mismong siya? Danica's POV May biglang nagsabi sakin na mahal niya ako. May yumakap sakin, in some reason, ayokong bumitiw siya sa pagkakayakap sakin. Kung pwede nga lang ganon na forever. Feel ko safe ako. Kahit na problemado ako, eh mawawala basta yakap niya ako.
Di ko man lang siya nakilala. Di ko man lang nakita yung taong nagsabi sakin na mahal niya ako. *flashback* "Danica, mahal kita." Nagulat ako. Bigla niya akong niyakap. Nakatayo lang ako at di makagalaw. Nung yakap niya ako, di ko maramdaman ang lamig sa paligid. I feel safe. Ayokong kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Matagal niya rin akong niyakap. Yayakapin ko narin sana siya ng kumalas siya bigla sa pagkakayakap. at bigla akong hinalikan. Di ako nakareact. Basta parang tumatalon talon yung puso ko sa saya? ang sarap sa feeling? haha. Habang nasa labi ko ang labi niya, naalala ko ulit ang mukha ni Sam kanina at mas naiyak ako lalo.
Inalis niya ang labi niya. Sinubukan ko buksan ang mga mata ko para makita kung sino siya, Pero di ko na maimulat ang mga mata ko. Wala na akong makita. *end* I didn't got the chance to meet him, to know his name and see him.
Bulag na ako ngayon. Laging BLACK at DARKNESS na ang nakikita ko. Pero dapat matuwa ako dahil di na ako masasaktan sa mga nakikita ko. Ang kinalulungkot ko lang ay di ko nakitayung taong nagbigay sakin ng kaligayahan. Kahit kailan. Fiction IamWENDYtheGreat October 25, 2013